Saturday, January 16, 2016

The Revenant ~ Film Review


by: Uel Ceballos

Before you watch The Revenant, make sure you’re in a good emotional condition, neither going through a stress nor any sort of depression. The film is as beautiful as the snowy wilderness, yet as cold and unforgiving as the hail storm. Leonardo DiCaprio has given so much for this film, more than enough to deserve him an Oscar award. The material itself is already devastating and having good ensemble to deliver the story is close to the perfection of a masterpiece. 

There are so many remarkable scenes in the film that will break your heart; at the same time make you praise the excellence that Leo had delivered for his acting. Leo is a good actor and we all know that. But what he did in The Revenant is something bigger. He certainly went through a deep internalization of his character, dig for the strongest emotion that he could get, and swam through surges of emotional pain just to get it all done with mastery. And not only Leo, but all the casts have showed a good performance. Hats off to Forrest Goodluck here for his amazing performance as Leo's son, where they nailed together the heart-melting father-son scenes in the midst of cold and tragedy. And of course Tom Hardy who made everyone hate his character so much, playing as Fitzgerald, Tom made me forgot my fangirl crush on him. 

The last White-Indian film I appreciated was the Dance with Wolves, of which novel I read first before watching the film adaptation. I read lots of novel that featured the struggle of the Native Americans and my heart goes out for them, always. But I know the white men also had their stands and reasons, and I could only go as far as sympathizing with the beaten and abused because they weren’t my own race and I couldn’t judge because I didn’t know the full history. However, I’m always sympathetic and in watching The Revenant, I became emotional with the truth that we are all victims of the territory war – no side can win, no side will ever win. 

I have researched about the real story behind the person played by Leo, who was Hugh Glass. His story, recounted many times in novels and books, had now been mixed-up by fictional events. Nonetheless, a good story was always created out of Hugh Glass’ widely known story of survival and retribution – there is so much to pull out from it and Michael Punke’s novel of The Revenant is one example. Haven’t read the full novel yet, but with Inarritu’s film adaptation of the novel I have a sure vibe that it’s equally superb. 

Aside from cinematography and good casting, two other elements worthy of praises are the scoring and the surreal sequences. Both remarkable and appealing to the audiences, these elements gave the film a separate goose bumps; aside from the suspense account of the natives and the thrilling survival of hunger, colds, and wilderness. The surrealism of Glass reminiscing the past, delivered a beautiful scene – juxtapose of the world’s ruthlessness and the love’s power over any ugly truths. The surreal, mystifying memories of Glass’ wife always break the icy cold moments in the film, those parts with restrained emotions wherein only hatred, chase, and battle are the highlights. The scoring is a great work. It didn’t spice up the scene, but the scoring is the scene itself that is reborn through the notes. Beautiful, engaging music – appealing and provoking, I love The Hateful Eight’s scoring but The Revenant is a strong contender even to this category. 

The Revenant is a great work. Kudos to director Alejandro Innarritu and to the whole production team and cast ensemble. Every scene is worth watching!

P.S. I believe this year is Leo’s year, it ought to be Leo’s year. 


Thursday, January 14, 2016

10 Best Foreign Films of 2015 That I Have Seen


by: Benj Ramos




1. Mad Max: Fury Road - dir. George Miller 


2. Kingsman: Secret Service - dir. Matthew Vaughn 

3. Inside Out - dir. Pete Docter and Ronnie del Carmen 

4. Timbuktu - dir. Abderrahmane Sissako 

5. Predestination - dir. Michael and Peter Spierig 

6. Shaun the Sheep movie - dir. Mark Burton and Richard Starzak 

7. The Little Prince - dir. Mark Osborne 

8. Star Wars: The Force Awakens - dir. JJ Abrams 

9. The Martian - dir. Ridley Scott 

10. Creed - dir. Ryan Coogler

https://www.facebook.com/Now-Brewing-539673826127554/?ref=hl

Tuesday, January 12, 2016

Sa Bawat Dulo ng Walang Hanggan (kasi nga #WalangForever)

ni Love Esios



Minsan, may darating na pag-ibig sa buhay mo na babali sa dati mong paniniwala sa pag-ibig at babago sa pananaw mo ng walang hanggan...



 --- Ayan yung ideyang naglalaro sa utak ko ng sumunod na araw pagkatapos kong manood ng Walang Forever. Nauna ng magbigay ng opinyon ang isa kong kaibigan tungkol sa pelikulang pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales. Bilang akala ko 'di ko na ito mapapanood, nagtanong ako sa kanya kung kumusta yung pelikula. Sabi niya, "Ang babaw ng istorya, friend. Sorry friend."

Eh 'di ako naman, nasayangan. Sabi ko, buti pala hindi ko pa napanood. Pero sadyang mapaglaro lang siguro ang tadhana kasi nakapanood pa rin ako at paglabas ko ng sinehan, sumisinghot-singhot pa ako habang nagpupunas ng luha sa pisngi. Ang nasabi ko na lang, "Wow. Grabe."

Simple lang naman ang kwento, oo. Nothing spectacular, nothing extraordinary. Same old plot. Dalawang taong pinagtagpo ng ulan, pinagbuklod ng pag-ibig at pinaghiwalay ng buhay. Pero ang tingin kong natatangi sa pelikulang ito ay ang mahusay na pagbibigay-buhay ng mga aktor sa mga karakter ng isang simpleng ngunit paulit-ulit na kwento ng pag-ibig.

Noong nalaman kong nagwagi bilang pinakamahusay na aktor si Jericho Rosales sa MMFF, naitanong ko sa sarili ko, "Wala na ba talaga silang ibang choice?" Kahit 'di ko pa napapanood ang Honor Thy Father, nasabi ko agad na, "Bakit hindi si John Lloyd?" Kasi siguro bilang manonood, ang stereotype natin, kapag umarte ng drama, magaling na. 'Pag umiyak ng bongga, ay may pag-asa ito. 'Pag love story ang theme, ay walang saysay yan. Rom-Com... sus!

Eh tinaob ng napakahusay na pagganap ni Jericho Rosales ang lahat ng mga stereotype sa utak ko. Pinaghandaan niyang mabuti ang kanyang karakter. Inalam niya ang bawat pakiramdam, bawat iniisip at bawat ikinikilos nito at inari niyang kanya. Marami na akong nakitang aktor na umarteng may sakit sa pelikula at telebisyon pero mas nakita ko ang pagiging natural sa karakter ni Echo. Pigil pero andun yung tindi ng emosyon. Makikita mo sa mga mata niya ang paghihirap ng kanyang kalooban. Ang kawalan ng pag-asa. Iilan lang silang ganoon. Iilan lang ang mga aktor na matalino at nag-aaral ng mga karakter nila. Buti isa doon si Echo. Mahusay. ;-)

Matapos kong mapanood yung English Only Please noong nakaraang taon, napagtanto ko na may ibubuga naman pala talaga si Jennilyn Mercado. Sa kanyang ikalawang rom-com, ipinakita niya na hindi mo kailangang umiyak ng bongga at humikbi na parang katapusan na ng mundo para manalo ng isang parangal sa pag-arte. Minsan, kailangan mo lang isapuso ang karakter na binibigyan mo ng buhay. At kapag nakakonekta ka sa kanya, doon nagsisimula yung magic. Doon mo masasabing napakahusay niya dahil nagawa niyang pag-isahin ang dalawa: siya at ang kanyang karakter.

Nais ko ring bigyan ng pansin ang supporting cast ng pelikulang ito. Unang napansin ko kaagad si Pepe Herrera. Paano ko naman kakalimutan ang paborito kong Tolits ng Rak of Aegis. Hahaha! Hanggang sa sumunod na sina Jerald Napoles, Nico Antonio, Cai Cortez, Kim Molina at Myke Salomon. Feeling ko nasa Rak of Aegis reunion ako eh. Hahaha! Mahusay ang suporta kaya nabigyan ng resonableng comic relief ang pelikula.

Bukod sa mga nakakatawa at nakakaantig na linyahan nila Echo at Jen sa pelikula, pinakatumatak sa akin ang natatanging eksena ni Ms. Irma Adlawan kasama si Echo. Alam mo yung sinasabi nila sa teatro na kahit gaano kaliit ang eksena mo, nasa sa'yo pa rin ang ikagaganda nito. Sa loob ng ilang minuto, pinaluha ako ng todo ng eksenang yun. At hindi siya dahil kay Echo, dahil siya kay Ms. Irma Adlawan. Ang galing! :)

May forever man o wala, bawat kwento na nabubuo sa ating mga buhay ay nagwawakas din. Pero sa bawat pagwawakas, may nagsisimulang panibagong pahina. Parang pag-ibig lang. Sa bawat pagtatapos, may mas magandang kwento ng pag-ibig na sisibol at babali sa dati mong paniniwala tungkol sa pag-ibig at babago sa pananaw mo ng walang hanggan. Nasaktan ka man, nabigo, happy man ang ending ng love story mo o tragic, babalik at babalik ang puso mo sa pag-ibig na nagbago sa'yo. Tulad nga ng sabi ni Ebe Dancel sa kanyang kanta,

          "Bawat kanan at kaliwa
          Kanluran man o hilaga
          Ang bawat daan ko
          Ay patungo
          Pabalik sa'yo..."


Kudos sa writer ng Walang Forever pati na rin kay direk! Maraming salamat sa isa na namang magandang pelikulang Pilipino! :-)


Walong tagay ng espresso po para sa inyo! :-)




https://www.facebook.com/Now-Brewing-539673826127554/?ref=hl