by: Benj Ramos
Better late than never. Inantay ko kasi
matapos yung MMFF baka sakaling may pumasok sa list ko (unfortunately, wala). Araw
araw papalit-palit sila ng rank kasi nahirapan ako magdecide, pero eto na
talaga ang final answer ko. As usual, 2014 isang makabuluhang taon para sa
commercial and indie Pinoy films. This year mas marami akong local na napanood
than foreign. Such an achievement. Nakatulong din kasi yung kaliwa’t kanang
film festivals.
10. THE JANITOR – Directed by Michael
Tuviera
“Madasalin kang tao di ba? Ano sa tingin mo
ang nararamdaman Niya sa ginagawa natin?”
Magaling magtahi si Direk Tuviera, mas
magaling pa siya sa kapitbahay naming sastre na nagtahi ng napunit kong shorts.
Oo, mataas ang naset na bar ng On the Job (my last year’s #1). Hindi siya OTJ
level pero action packed pa rin naman. Okay, mukha nga siyang OTJ kasi nakita
ko na naman si Richard Gomez. Mamaya sa Top 5 nandun uli siya.Puro dugo dito
for sure maraming food coloring na nasayang. Teka lang, at one point ba hindi
narealize ng mga characters na gwapings sila lahat?
9. THE TRIAL – Directed by Chito Rono
“Lahat ng taong nagmamahal, nasasaktan.”
Walang patwitums na love team at walang
uber family drama, although family drama pa rin siya, subalit sinikap ng The
Trial na hindi masyadong humilera sa Tanging Yaman, Sa’yo Lamang, Anak etc. The
Trial doesn’t only pertain to the “court trial” but their trials in life. Dmay gantong baliw baliwan role si Budoy
talaga naalala ko eh pero buti medyo matinong Budoy si John Lloyd dito na
nagawa pang makipag toooot. Kudos to Star Cinema for putting together court
drama, rape, viral videos and unconventionalfamily (John Lloyd’s gay-lesbian
parents) in this movie.
8. SHE’S DATING THE GANGSTER– Directed by
Cathy Garcia-Molina
“I can’t breathe.”
Hindi talaga ako fan ng KathNiel, but in
this movie, meron ka talagang kilig na mararamdaman. Yung kilig naman sa
Richard and Dawnwith Hihintayin Kita sa Langit references ay para sa mga medyo
tanders na. Surprisingly, pang mature level ito. Well at least kung napanood
man ito ng fans ng KathNiel, may iba
silang level of maturity in love na natutunan. Hindi ko nabasa yung Wattpad
version, but I heard Cathy Garcia Molina stepped up and changed it a little bit
by making the present time the subplot, and the 90’s the main story. Better
than ABNKKBSNPLaKo and Diary Ng Panget combined.
7. BWAYA – Directed by Francis Xavier
Pasion
“Ngayon ko lang nalaman na may bwaya pala
sa lupa”
I can’t remember thelast animal versus human conflict on Pinoy cinema.
Kaya nga Bwaya is such a breath of fresh air. For some reason, I felt that this
is a horror movie. And when we say conflict with nature, wala kang masisisi.
Kalikasan ang kalaban mo eh. Magagalit ka ba isang buwayang kumain sa anak mo? At
infairness sa buwaya, mukhang makatotohanan. May passion talaga ‘tong si Mr
Pasion. Aerial shots pa lang.The pseudo-docu style reminds me of his other film,
Jay, which was also a finalist in
Cinemalaya years back. Meanwhile, Angeli Bayani is undeniably a gem in
Philippine Indie. Watching her will make you just wanna sit down, watch her cry
and you cry with her.
6. SUNDALONG KANIN – Directed by Janice
O’hara
“Hindi basta laro-laro ang gera dahil mga
buhay ang nakasalalay”
Marami na tayong napanood na Japanese
occupation-themed sa Pinoy cinema but
this film offers a different perspective. It looks at how kids and their
innocence were occupied by Japanese violence and brutality. Sinakop rin sila
guys. Medyo nangilid luha ko dun sa batang babae huhubels. Well, it showcases a
different take on a coming-of-age genre in the Philippines. The kids can really
act, good job direk nasa nagdidirek yan and of course, Marc Abaya.
5. MAGKAKABAUNG – Directed by Jason Paul
Laxamana
“’Kapilan ku lungub iskwela ulit, Tang?”
Pagkapanood ko nito sinabi ko agad kay
Direk Jason na napaka-mean niya kay Allen Dizon. Hiwalay sa asawa, namatayan ng
anak (hindi ‘to spoiler ha nasa trailer ‘to) at hinuhuthutan pa nung malanding
si Neri. Take note, nasa Babagwa rin si Neri. Ang mahiwagang taong, makikita pa
ba ulit natin siya sa susunod na trip ni Direk Laxamana? Kahit hindi magsalita
yung character ni Allen Dizon, alam mong stressed na siya. Walang tulog, walang
kain, walang tae, basta nagbreak down na lang siya sa ilog katabi nung bangka
na hindi natin alam kung nakisimpatya sa kanya. Si Gladys Reyes as usual
magaling at yung eksenang naguusap sila ni Allen Dizon grabe lang. Ay, mean din
pala si Direk sa tuta.
4. THAT THING CALLED TADHANA – Directed by
Antoinette Jadaone
“Hindi-na-kita-mahal-makakaalis-ka-na.
Seven words. ‘Yung eight years namin tinapos niya in seven words.”
Etong si Jadaone hindi mo alam kung san niya
nakukuha mga hugot niya. Basta magaling. At ngayon, I’m dying to go to Sagada, ay Rome muna
(sosyal haha). Dun pa lang sa excess baggage hugot na,yung simbolismo winner. Benta
yung John Lloyd reference ni Angelica tas si JM yung line niya na “naka-droga
ka ba?”. Ipapalabas ulit this February at ide-date ko ang sarili ko magkahawak
ang aking kanan at kaliwang kamay at muling babalikan ang buhay ni Mace. Hindi
siya heavy emote drama, chill lang. Saka kahit puro usapan hindi mo naman
kelangan makakita ng sampalan or elevator acting para humanga eh, yung delivery
mismo. Makatotohanan. Pero sorry, best actress ko pa rin yung main character sa
#3 film ko. Next na.
3. LORNA – Directed by Sigrid Andrea
Bernardo
“Sino bang nagsabi sa’yo na habulin mo ang oras?
Habol ka ng habol, hindi naman nagpapahabol. Gaya ko, habol ng habol, takbo ka
ng takbo.”
Fan ako ng mga gawa ni Sigrid, naalala ko
may anthology screening siya sa UP sinubaybayan ko talaga. My most favorite
CinemaOne Originals entry this year. Husay ni Mrs Buencamino pati ni Sir Lav
Diaz. Yung tambalang Lorna at Rocky, feels. Gusto kong magtayo ng fans club
tatawagin itong LorKy kase nakaka-lorky naman talaga. Si Lav may swag sa mg a
linya. At yung mga tropapipz ni Lorna lalo na si Maria Isabel Lopez benta
hahaha. Bale kahit tanders na wag kayong mawawalan ng pag-asa, baka kasing cute
din ng love story ni Lorna ang love story ninyo 30 years from now.
2. NORTE: HANGGANAN NG KASAYSAYAN– Directed
by Lav Diaz
Kapag may bagong labas si Direk Lav na
pelikula, ang una ko agad tanong, “Gaano katagal?”. Hindi ako fan ng matatagal
na movies. Pero ito ang trip ni Sir eh, walang pakielamanan. Sinubukan ko
siyang panoorin, at akalain mong hindi ko namalayan ang 4 na oras sa sinehan!
First movie that I have seen from him and it did give me a very good
impression. Sayang di ko kasi napanood yung Mula it could have been on my list
as well. Hindi mo kelangan maging bobo o matalino para tangkilikin si Lav.
Basta manood ka lang, makinig atmay matututunan ka. Yung plot nito madali lang
maintindihan. Kelangan lang ay ang iyong pasensya kasi nga may mga mahahabang
eksena.The Filipino audienceis a mainstream audience. Hindi man ito yung tipong
pelikula na magugustuhan ng nanay, tito, at lola mo, kung open minded ka (lakas
maka networking) magugustuhan mo ‘to. Oscar worthy, kaso sayang hindi man lang nashortlist
sa top 9.
1. BARBER’S TALES – Directed by Jun Lana
“Mali ba ang gumawa ng tama? Hindi. Pero
minsan hindi handa ang mga tao na harapin ang tama.”
Kung naaliw ka sa Kimmy Dora at Babae Sa
Septic Tank, ibang Eugene Domingo ang makikita mo rito. It was set during the
height of Marcos regime pero hindi ito purely tungkol kay Marcos, tungkol ito
sa mga kababaihan, kung papaano sila naoppress noong dekada ’70. Hindi common
ang mga babaeng barbero, pwede namang parlor diba pero marahil ay simbolismo
ito ng babae taking over a patriarchal stuff. My favorite role goes to Glady’s
Reyes. Hindi siya anti-climactic, sakto lang para medyo gumaan yung seryosong
issue na tinatalakay sa Barber’s Tales. Napredict ko yung ending, pero wapakels
maganda naman yung execution. Sana talaga may libreng kakanin habang pinapanood
‘to direk :P